Imba Tips Top Ten para makilala o kaya alagaan kayo ng prof niyo:
1.) ‘WAG na ‘WAG kayong magpapalate sa class niyo. (Promise kung ayaw niyo maranasan ang mabilis na pagbagsak.)
2.) Hindi mo talaga maiwasan mag-absent o mag-‘CUT - for the sake na maranasan lang mag-cut, cool eh LOL!. (Basahin niyong mabuti to guys. Oo, aminado kami, hindi maiiwasan mag-cut pero darating ang punto na yun kapag nagti-thesis na kayo. Kami na ang nagsasabi, kung nagbabalak kayo KISS your 4.0 babye! USE your cuts wisely, huwag na kayo magpasikat na kayo niyong mag-cut dahil wala lang, cool kayo eh. ‘Di yun uso mga pre at mare. Kung wala kayong gagawin na maganda at maglalaro lang kayo, pumasok nalang kayo. ‘Wag niyong sabihin hindi namin kayo pinayuhan ha.)
3.) Participate in his/her class well. (Tandaan, ‘wag masyadong magpasikat okay, sa mga kaklase niyo - applicable lang to sa mga may crush, remember? - Be prepared, tapos participate yung tama lang. Tandaan niyo may mga kaklase mayayabangan or whatsoever sa inyo, parang tutuksuhin kayo, sinasabi lang naman namin para makaiwas kayo kagad pero kung ‘di niyo maiwasan, magaling kayo eh, simple lang. SO WHAT THE F*CK PEOPLE MAGALING AKO EH, pero tandaan hindi niyo sasabihin yan na as in face-to-face, let your FACE do the talking, okay?)
4.) Kahit saan mo siya makita, BATIIN mo siya. (Tandaan a simple smile will do.)
5.) Kapag nag-test kayo, sa abot ng makakaya niyo PLEASE galingan niyo kagad lalo na sa first 2 quizzes. (‘Di ko lang alam ha pero basta kapag nakakuha kayo ng mataas na score sa first 2 quizzes madali na kayong matandaan ng prof.)
6.) Socialize with your profs. (Yosi kung yosi, yaya gumimik kung gigimik, pero galangin niyo naman sila. Nagpapakahirap sala para turuan tayo. Tandaan meron talagang SUPER COOL profs kahit na yung iba may mga edad na PROMISE! sulit talaga ang pag-aaral sa LA SALLE haysss. Miss na nga namin eh.)
7.) Kapag hindi niyo naiintindihan ang lesson, magtanong o ipa-ulit sa prof ang gusto niyo ma-clarify. Some profs gusto talaga nila ng mga ganong student dahil para sa kanila kapag nagtanong ka - may interest ka sa tinuturo nila - simple joys nga naman for a professor. (Tayong mga students, natatakot kasi eh, magtanong o kaya ipa-ulit sa prof yung tinuturo niya. - Ano ka ba superhero at natatandaan mo lahat ng sinasabi niya? - Guys, ipa-ulit niyo yung ‘di niyo maintindihan na part, PART ng WORK niya yun. Tandaan KARAPATAN NG STUDENT ANG MAGTANONG ANG HINDI NIYA MAINTINDIHAN SA KLASE. Walang pumapatay na prof. guys.)
8.) Respect them. (Guys, ganun talaga gusto nila yan kasi siyempre professor nga naman sila. Dapat lang naman siguro diba? Sila kaya nag-paplano ng ituturo satin. APIR! para sa kanila.)
9.) Kung gusto niyo talaga ang prof. na yun, edi ipagkalat niyo out loud. (Una sa lahat, maraming magco-comment dito. Sasabihin nila sipsip, teacher’s pet, malakas magparinig, etc. etc. SUS! So what? Don’t they deserve it. Kapag narinig nila yun na maraming may gusto sa kanila, mas matutuwa pa nga sila eh. Meron silang mga positive feedbacks from students. PLUS POINT para MAS ALAGAAN ka nila.)
10.) Show your gratitude by the end of the term. (NAKAPASA ka sa class niya. APIR! CHEERS! <3 punta ka ng school, pasalamatan mo siya in person. Kung isang buong barkada kayong nakapasa, bigyan niyo siya ng something or what. Believe me ang mga teachers natin para lang silang mga parents natin, simple joys yun ng mga prof.)
P.S. Kapag nagawa mo ‘to. Malamang kapag humingi ka ng dagdag grade mabigyan ka pa kahit .5 bonus lang. MALAKI NA YUN TALAGA @_@.