Dati din kaming estudyante alam din namin kung ano ang pakiramdam.

Derecho na tayo sa punto.

May bagsak ka at hindi mo alam ang gagawin mo. Hindi na ito high school na magagawan pa ng paraan ang grades mo. Hindi mo din maisip kung saan ka nga ba nagkamali o nagkulang.

Pupunta ka sa grade consultation para humingi ng breakdown ng grades mo, haggle pa ng grades para lang makita kung may pag-asa pa, kung talagang pupuwede pa… pero talagang nawalan na ng pag-asa. ‘Wag kang mag-panic, huminga ka ng malalim, ibuga mo ng dahan-dahan, saba’y sabihin mo, tapos na ‘to.. eto na yun. Puntahan mo ang mga kaibigan mo at ngumiti ka lang ng parang walang nagyari. Oo, nandun na tayo sa part na talagang mahirap tanggapin pero subukan mong burahin na kagad sa isip mo yun. At isa pa, NORMAL yan :).

Hindi tayo lahat pinapalad na makapasa kagad sa unang pagkakataon, okay lang yan, part yan ng pagtanda. Pero, bigla mong naisip, pano ko ba ipapaliwanag to sa mga magulang ko. Madali lang, magpakatotoo ka, mas mabuting alam nila kesa itago mo lang. Alam namin hindi ganun kadali yun, pero mas mabuti pang sabihin mo na kesa malaman pa nila sa iba, mas nakakahiya nga naman yun. At oo din kami sa mahabang diskusyon na mangyayari kapag nalaman na ng parents niyo na hindi kayo nakapasa sa gantong subject, take namin diyan, sige lang pakinggan niyo kung anong sasabihin nila. Makinig lang kayo sa bawat words na lalabas sa bibig ng mga parents niyo, wag niyo palabasin sa kabilang tenga at itago niyo sa sistema niyo. ‘Wag kayo magagalit sa parents niyo, kayo ang may mali, pinagsasabihan lang kayo. Kumuha kayo ng lakas para makabawi next term sa mga pinagsasabi ng mga magulang niyo. Wala tayong laban sa kung anong sasabihin nila o ni karapatan man lang na sumumbat o sumagot mismo pabalik, may karapatan sila, magulang natin sila at sila rin ang nagpapa-aral sa atin. Oh, alam niyo na gagawin niyo sa parents niyo ha, tao lang din sila, normal lang na mapagsabihin dahil ayaw din nila na nahihirapan tayo sa mga kamalian natin. Masakit din yun para sa mga magulang natin, at totoo yun! Hindi na nila iniintindi ang pera pang-enroll mo ulit sa subject na yun, MERON sila nun, ang iniitindi lang nila… at pakibasa ‘to ng mabuti… yung nararamdaman mo na bumagsak ka, na nagkamali ka. Hindi rin pala ibig sabihin na hindi na sila proud sa’yo, WAIT UNTIL GA-GRADUATE KA NA, sure kami ubod ng tuwa ang mga parents niyo at may iiyak pa. APIR!

Hindi pa end of the world, okay guys? ‘Wag kayong ma-down, pang-mahihinang tao lang yun. Tandaan mo, La Salista ka pa din kahit na anong mangyari. Hindi ibig sabihin bumagsak ka, hindi na pasok ang standards mo sa La Salle, hindi ganun yun. In the first place, bakit ka nasa La Salle ngayon kung hindi ka pasado sa standards nila? Sipagan nalang natin sa susunod.

Para sa mga nakapasa, KUDOS to you guys! ‘Wag kayong magmalaki nakapasa kayo, kung hindi eh tulungan niyo pa ang mga kapwa niyo students kapag may inulit silang subject o kung ano man. Tulong tulong lang hindi nakakamatay yun. Tulad nga ng sabi nila, “INVEST IN PEOPLE!” pero in a GOOD WAY.

So there you go guys, kwentuhan lang kayo ng parents niyo. Wala yan, BAWI TAYO NEXT TERM. Nandito ang DLSUFROSHTIPS para sa inyo, kung may mga tanong kayo pipilitin naming mabigay ang tamang sagot para sa inyo. Bawi lang next term, yun nalang pero iwasan na nating mag-LAX hindi na tayo nasa high school okay?

PAMPALUBAG LOOB:

1.) Kapag bumagsak ka, ingiti mo lang, mas lalawak na ngayon ang connections mo.

2.) Magma-mature ka. Promise! In terms of all aspects in your life.

3.) Technikan natin yan. Magpost kami soon kung pano niyo itetake yung math niyo and still graduate on time! :) Okay ba yun?

4.) Hindi pa END OF THE WORLD. ‘Wag kayong O.A.!

5.) Hindi nakamamatay ang pagkakaroon ng bagsak. Hindi ka lang pupwede na sa LATIN HONORS, yun lang naman. :D

APIR! ‘Wag na kayo malungkot okay? Everybody happy na ulit! Kung nalulungkot pa rin kayo, messge niyo lang kami dito. We’re here to put smile on your faces.

Blog comments powered by Disqus

DISCLAIMER